Watch PARTY PILIPINAS tomorrow. @SolennHeussaff launches her new song “OUR FIRST TIME” and new music video with @GazHolgate.

Catch @lovipoe and @solennheussaff on November 20! at 4PM! At Metro Town Mall, Tarlac!

@Annecurtissmith live at MARQUEE MALL Pampanga on Nov 12! 4pm -Activity Center -CD signing after the show GRAB NA!

@solennheussaff covers MEGA Magazine November isssue , Don’t forget to GRAB A COPY ! Mwahh!

Watch @isabelledaza in PARTY PILIPINAS!!!!!!

@isabelledaza & @iloveGEORGINA at ESQUIRE BALL

@Lovipoe , crush ng kababata ni @solennheussaff

NGAYONG gabi pala ang dating sa bansa ni Gaz Holgate, ang rugby player na kababata ni Solenn Heussaff.

Ang dinig ko, balak ni Solenn na sunduin sa airport si Gaz. 
Ang problema, may tentative schedule nga­yon ang TV host/actress/singer.

Sa anniversary show ko noong Sabado sa Zirkoh, inusisa ko si Solenn tungkol kay Gaz at hindi niya ikinaila na inim­bita niya ang binata na bumisita rito sa bansa, pero hindi raw siya ang ‘main reason’ ng pagdalaw sa bansa ni Gaz. Ibinuking ni Solenn na gusto ni Gaz na makilala si Lovi Poe. Crush ni Gaz si Lovi. Iisa ang manager nina Solenn at Lovi, kaya walang problema para magkakilala ang dalawa. Kilala ng manager nilang si Leo Dominguez si Gaz dahil pina-follow ni Leo ang Twitter account ng nasabing rugby player. According to Leo, may potential si Gaz, kaya nang banggitin sa kanya ni Solenn na darating sa bansa ang binata, nagkainteres si Leo na aluking mag-mo­del ang binata. Nagko-communicate na sina Gaz at Leo dahil bukas ay haharap na sa entertainment press ang Pinoy rugby player. May isang charitable activity raw na gagawin si Gaz habang nandito ang binata sa bansa. Mamimigay raw ng books at school supplies sa ilang mga estudyante sa Mandaluyong si Gaz katulong ang National Bookstore Foundation. *** Speaking of Lovi, lahat na yata ng kalalakihan ay gustong ‘magpakagat’ sa kanya dahil sa role niya sa pelikulang Aswang. Kung kasingganda ni Lovi ang aswang na bibiktima sa leeg ng mga kalala­kihan, maraming lalaking willing na maging biktima. Teka! Si Gaz kaya, magpapakagat din kay Lovi? Hmph! For sure, kung kasingguwapo ni Gaz ang ‘kakagatin’ ay hindi tatanggi si Lovi. Syanga pala, sa Nobyembre 2 na ang showing ng Aswang. *

(twitter.com/junlalin). http://www.abante-tonite.com/issue/oct0311/showbiz_jl.htm

Childhood friend ni @solennheussaff darating sa Pinas dahil crush si @lovipoe

EXPECTED na anytime this week ay darating ang childhood friend ni Solenn Heussaff na sikat ngayong Rugby player sa Europe na may dugong Pinoy-Welch. Siya’y si Gareth Leslie “Gaz” Holgate, 24. Invited siya ni Solenn sa Pinas para muling maka-mingle ang binata. Gusto rin niyang makita ang Pilipinas na sa kuwento lang ng kanyang ina natatandaan.
Ayon sa source, ipakikilala ni Solenn si Gaz kay Lovi dahil kinukulit siya nitong makilala ang dalaga na madalas niyang makita ang mga photos sa internet.
Wala namang masama kung mag-meet sina Lovie at Gaz dahil very single naman ang actress na super busy sa kanyang career lately. Aba, may bagong movie siya sa Regal ang “Aswang,” tapos, may another Aswang movie rin siya na kapartner si Dingdong Dantes. Si Dingdong at Dondon Monterverde ang producers ng movie na ito na ididirek ni Erik Matti.
Ang Aswang sa Regal ni Lovi ay kapatner naman niya si Paulo Avelino.
Anyway, gustung-gusto raw pumunta ng Pilipinas ni Gaz. Off season na yata ng play ng binata sa Europe kaya papasyalan nito ang lugar na sinilangan ng kanyang inang Pinay.
Samantala, si Gaz ay ipinanganak sa St. Asaph, Denbighshire, Wales. Si Gaz ay kasalukuyang naglalaro sa Japanese team na Kyuden Voltex. Ang position niya’y center, pero naglalaro rin siya ng fly-half. Lumaki siya sa Gwaenysgor, near Prestatyn, at nag-aral sa Rydal Penrhos in Colwyn Bay. Habang nag-aaral at naglalaro sa school team niya, nagsimula na rin siya ng kanyang rugby career sa Rhyland District RFC. Dito’y naglaro siya hanggang 2007 at saka lumipat at nag-aral sa UWIC.

by Noel Asinas/On The Set! Sep 28, 2011 6:00pm HKT

http://www.remate.ph/

© 2011. Theme by Chocolate Milk!